Sunday, January 20, 2008

Gee!

Gee! your hair smells like fresh flowers picked from the mountains of zamboanga last april 24, 1990!

life as I see it

The kid within us, playful and happy
everything's colorful yet imaginary.
can't figure out why it makes me smile
but it fits like bricks on a pile.

sure it's filled with struggle
hey, what's life if you won't stumble.
get up, stand up, dust it off, move on
before you know it, its long gone.

some rush towards thirty
when they reach it, wish they were twenty.
The kid within us, really lonely
wants to go back to mother's arms.. if only.

mga pagkakataon

May mga pagkakataong may makikilala kang isang tao. Mabibighani sa kanyang kagandahan. Makakapagkwentuhan ng matagal. Ngunit di mo na makikita kahit kailan.

Mayroon din namang pagkakataong, ikaw ay may makakasalubong. Mabibighani ka nanaman. Magkakatitigan kayo. Ngunit di mo na makikita kahit kailan.

Minsan din. Mararamdaman mong may isang tao para sayo, alam mong mabibighani ka. Ngunit di mo makikita kahit kailan.

eh

Mahirap pala simulan to pag halo halo ang nasa utak mo. Di mo malaman kung tungkol sa mensahe para sa isang tao ang gusto mong iparating o di kaya'y nais mong mag-iksplika sa mga ginawa mo sa isang natapos na relasyon. Maari din naman gusto mo ilabas ang sakit na nadama mo sa isang relasyon at epekto neto sa iyong buhay.

Malamang nararamdaman niyo din ang nararamdaman ko ngayon, yung tipong magisa kang ngumingit habang sinusulat ito. gaya nga ng sabi ko, halo halo ang idea na nasa utak ko ngayon. Parang nakakamot ang aking utak, ngunit di talaga matamaan ang makating parte. Tumataas pa nga balikat ko para lang makamot ang makating parte ng utak ko eh. At ang maganda pa neto, kolorum ang internet ko dito sa opisina, kaya patingin tingin ako sa likod.

Ano ba ang tagalog ng paragraph? hayaan na natin. Ngayong naka dalawang paragraph na ako. siguro sundan ko na lamang ang tatlong puntos na sinabi ko sa umpisa. Mensahe para sa isang kaibigan...alam niyo bang mahirap magtimpi ng nararamdaman. May mga nagsasabing, dapat ilabas mo at ipadama mo ito. Ngunit para sa akin, may takot. Alam mong kaya mo siyang mapasaya, malimutan ang problema. At kung ano ano pa, pero ito'y opinyon mo lamang. Isang akala. Isang akalang maaaring maging kayong dalawa(ninakaw ko lang to sa lyrics ng true faith, tumutugtog kasi eh, bakit ba!). Ulitin ko ulit, ito'y isang akala. Nakakatakot. Kasi, pag nalaman niya. Baka layuan ka niya. May posibilidad namang pareho pala ang nararamdaman niyo sa isa't isa. Ngunit ayaw kong mawala kung ano ang meron ngayon. Magtitimpi nalang siguro ako. Tulad ng ginagawa ko mula pa noong bata pa ako. Nakakalungkot.

Pangalawang punto, pagiksplika sa natapos na relasyon. simple lang. Ayaw ko na kasi. Natakot ako sayo. Nasaktan kita. Naging makasarili ako. Oo, inisip ko talaga sarili ko. Kasi natakot ako sayo. Ayokong patakbuhin mo buhay ko. May mga pagkakataon na gusto ko ibang tao nagpapatakbo ng buhay ko, pero dapat ako ang nagpapakita na gusto ko. Hindi iyong pinipilit ako. Natakot ako.

Ikatlo. Ang pang pelikulang hiwalayan. Masakit. Masakit. Tuwing naaalala ko iyun, parang wala na akong silbi. Nakakalungkot. Higit sa dalawang taon na ang lumipas. wala na ang sakit. Pero di ko ito malilimutan. Sa nangyating ito, naging malakas ako. Naging matatag. Naging matigas. Nagalit. Naging gago. Pinaglalaruan nalang ang ang pwedeng mapaglaruan. Naging masama ako. tama na to.

Sana. maging masaya na ulit ako.